Nariritong muli sa akin
Ang alaalang pumipigil
Sa puso kong hindi pa rin
Malimot ang nangyari sa 'tin
Heto na naman muling
Gumugulo sa isipan
Ba't 'di ko masabi sa sarili
Ikaw ay 'di na para sa 'kin
Oh bakit muling bumabalik
Pagtitinginang kay tamis
Hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin
Baka sakali lang
Kung bubuhayin ang pag-ibig
Maaari pa kayang maging tayo muli
Baka sakali kung
Ikaw muli ang iibigin
May pag-asa bang
Muli pang magmahal
Baka sakali lang naman
Bakit hindi natin subukan
Na ibalik ang nakaraan
Baka ngayon handa na tayong magpatawad
Oh ako ba'y muling tatanggapin
Ng puso mong dati ay akin
Muling pagbigyan ang tawag ng damdamin
Baka sakali lang
Kung bubuhayin ang pag-ibig
Maaari pa kayang maging tayo muli
Baka sakali kung
Ikaw muli ang iibigin
May pag-asa bang
Muli pang magmahal
Baka sakali lang naman
Oh
Baka sakali lang
Kung bubuhayin ang pag-ibig
Maaari pa kayang maging tayo muli
Baka sakali kung
Ikaw muli ang iibigin
May pag-asa bang
Muli pang magmahal
Baka sakali lang naman
Baka sakali lang naman