Aanhin ang mata kung walang mapagmasdang
Sayaw sa indayog ng talahiban
Aanhin ang tenga kung hindi mapakinggan
Ang awit ng hangin sa punong kahoy
Aanhin ang labi kundi madampian
Ng ulan o di kaya'y mahagkan ng ilog
Pagmasdan pakinggan lasapin ang mundo
Walang ibang sadya ang ayos nito
Bulaklak sa paanan naghihintay ng pansin
Ano ba ang buhay nya kung di mo langhapin
Ang bato sa batis kinis nya'y masasayang
Kung di mo mahaplos ang pisngi nyang alay
Anhin pa ang balat kung di maramdaman
Ang lambing ng araw at ang sariwang simoy
Langhapin haplusin pansinin ang mundo
Walang ibang sadya ang ayos nito
Ganun din ang tao nang syay mahalin
Ang tanging pangarap tanging katuparan