Akala ko gano'n lang talaga
Ngunit bakit ngayon ay ibang iba na
Mga ngiti tila may kahulugan
Pati pag lapit mo sa akin ay inaasam
Dapat talaga lumayo na sa'yo
Hindi na sana pina-abot ng ganito
Sana ay 'di na napalapit sa'yo
Nang 'di na sana ako nalilito
Sabi na sabi na dapat ay lumayo na (sabi na)
'Pagkat habang tumatagal mundo ko'y naiiba
Sabi na sabi na 'di sana nakilala (sabi na)
'Pagkat mundo ko ay bigla nalang naiba
Naisip kong umiwas nalang sa'yo
Ngunit walang nagagawa 'pag lumapit ka na
Sana ay 'di na nakilala
Nang 'di na sana ako nalilito
Sabi na sabi na dapat ay lumayo na (sabi na)
'Pagkat habang tumatagal mundo ko'y naiiba
Sabi na sabi na 'di sana nakilala (sabi na)
'Pagkat mundo ko ay bigla nalang naiba
Bakit ka pa nakita
Wala sanang problema
Nag-iisip naghihintay
Sana naman ay magising ako
Sabi na sabi na dapat ay lumayo na
Dahil 'di ko na mapipigil ito
Sabi na sabi na dapat ay lumayo na (sabi na)
'Pagkat habang tumatagal mundo ko'y naiiba
Sabi na sabi na 'di sana nakilala (sabi na)
'Pagkat mundo ko ay bigla nalang naiba