Saan ba ako papunta
Saang landas ang tahak ng mga paa
Madilim ang daan na aking nilalakbay
Kung saan patungo, hindi ko rin alam
Handa ka na ba, na ako'y samahan
At maglakbay sa gitna ng kawalan
Mga kamay ko'y mahigpit mong hawakan
Puso at damdamin ay iyong gabayan
Hindi na ako nangangamba
Saan man tayo dalhin ng tadhana,
Ikaw ang aking ilaw
Nagbibigay liwanag sa aking buhay
Sa iyo nanggagaling ang aking lakas
Upang ituloy ang aking bawat bukas
Saan man ako makarating
Basta't ikaw ay nasa aking piling
Pagka't sa hirap man at saya
Kahit kailan, kahit saan, basta't- kasama ka, 0oohh