Nakatulala sa kawalan
At iniisip ka gustong makita
Kailan kita masisilayan?
Nasasabik na ika'y makita
Pag ika'y nasa isip, mundo ko'y humihinto
Napapangiti, napapangisi
Walang gustong gawin
Kundi makasama kita
Pilit na nilalapitan ka
Ngunit damdamin ko'y sadyang kabado
Pag ganda mo'y pinagmasdan
Ako'y natotorete at natutulala
Ako'y napapaisip, puso'y bumubulong
Tinatanong ko ang sarili
"Bakit ba ganyan?"
Sana'y hiling ko'y madinggin
Na mapa-oo kita
Dinadaan ko na lang sa tiyaga
Buong puso'y sa'yo lang inalay
Pagsuko muntik akuin
Nang ika'y mapansin
Ika'y lumapit sa akin
Kay ganda ng iyong ngiti
Bulong mo sa akin na ako'y gusto mo rin Ako'y nalunod sa saya
Ako'y nalunod sa saya
Ako'y nalunod sa saya
Nang mayakap kita, nang mayakap kita