Si tatang ay beterano ng kutsero,
maghapong ang kasama ay kabayo
Pag uwi niya sa hapon gagapas ng damo para makain ng kaniyang kabayo
Si tatang ay de-primerang kaskasero
kaya tuloy natatakot ang pasahero
Gustoy laging matulin, hawak ang latigo at kaliwat kanan ang palo sa kabayo
KORO
O tatang ko na kaskasero,
huwag paluin ng paluin ang kabayo
Pag ang kabayoy nalito, hindi na magpreno
ang punta mo ay sementeryo
adlib
Si tatang sobra ang tigas ng ulo,
di maawat sa pagiging kaskasero
Gustoy laging matulin ang takbo ng kabayo, dapat sa kanya ay drayber ng bumbero
ulitin sa KORO (2x)