Gary Granada Lyrics
Ang Butil Ng Pag-ibig Lyrics
Tatlong magkakaibigan ang sa gubat napasyal
Magsasaka, mangangaral at mangangalakal
Doo'y may ermitanyong nasalubong nila
May tatlong kumikislap na butil na dala
Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang mamamg negosyante, inuwi sa kanila
Ang butil ng pag-ibig binigyan ng halaga
Sa hapag ng mamahalin at babasaging kristal
Nilapag at itinuring na panauhing pandangal
Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa silid
Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig
Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang magiting na guro, kanyang isinapuso
Ang butil ng pag-ibig itinuring na ginto
Nilukuban ng talino ng maingat na pantas
Sa sisidlang kumikinang ng pilak na kwintas
Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa dibdib
Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig
Butil ng pag-ibig, wika ng matanda
Ay ipamahagi palagi sa kapwa
Ang masinop na magbubukid, isinalin sa paso
Ang butil ng pag-ibig inalay sa mundo
At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal
Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal
Sa palibot na payapa hinasik at dinilig
Sumibol at namunga ang butil ng pag-ibig
At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal
Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal
Sa palibot na payapa hinasik at dinilig
Sumibol at namunga, namunga ng kalinga,
Tiwala at pag-asa ang butil ng pag-ibig