Gary Granada Lyrics
Kababaihan Lyrics
Mula sa umpisa ang buhay ko'y nakasalalay
Sa wika ni ama at mga lalake ng aking buhay
Ano ang dahilan, paano at kailan, ano'ng sanhi?
Sabi ni inay, dahil kami ay
Nagkataong isinilang na babae
Huling dinidinig at unang pinagsasabihan
Ang aking daigdig ay daigdig ng kalalakihan
At ang aking silbi sa araw at gabi'y palamuti
Tahimik sa tabi, dahil lang kasi
Nagkataong isinilang na babae
Unang nagigising at huli ng natutulog
Habang unti-unting pagkatao'y nadudurog
Di katakataka, sa tahana't pabrika ako'y api
Sabi nga nila, dahil lang pala
Nagkataong isinilang na babae
Hindi ko matanggap na dahil dito na nasanay
Ang aking hinaharap ay ganito na habangbuhay
Isip at diwa, puso't kaluluwa ay pumipiglas
Gaya ng bukal na di masasakal
Dadaluy at dadaloy ang kalayaan
Kasama ng iba, unti-unti kong natutuhan
Ang aking halaga at likas na kapangyarihan
May kasarinlan, may kakayaha't kakanyahan
Bahagi ng buo kung saan patutungo
Ang kasaysayan ng sangkatauhan
Ako'y samahan n'yo sa aking pakikibaka
Sa paglaya ko kayo ay aking kasama
Dangal ko ay taglay kung saan pantaypantay
ang kalagyan
Ating itindig sa bagong daigdig
Ang kalayaan ng kababaihan