Gary Granada Lyrics
Matandang Musikero Lyrics
Di pa uso noon ang hi-tech
At wala pang alternative music
Ngunit ang kanyang mga awit ay totoo
Sa mga kantang sinulat
Ay marami ang namulat
Kahit na ang karamiha'y di nagbago
Buhay pa rin ang musika sa kanyang gitara
Kahit na si Koyang Jess tumatanda na
Buhay pa rin ang pag-ibig sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa
Noo'y hindinghindi pupuwede
Musikerong hindi pogi
Ngunit naglakasloob siyang maiba
Sa taglay niyang katapangan
Ang iba ay nabuhayan
Kung kaya kami ngayo'y marami na
Buhay pa rin ang musika sa kanyang gitara
Kahit na si Heber ay tumatanda na
Buhay pa rin ang pag-ibig sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa
Ilang beses nang napahamak
Ilang beses nang napasabak
Sa lasing, pulis at budget na aruy
Ilang rally na ang naranasan
Ilang puwesto na ang nasubukan
Ilang konsyerto na ang di natuloy
Tuloy pa rin ang musika sa kanyang gitara
Kahit na si Pol Galang tumatanda na
Tuloy pa rin ang pag-ibig sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa
Ilang lyrics na ang nalimutan
Ilang sablay na sa tugtugan
Ilang kwerdas na kaya ang napatid
Mangyayari rin kaya sa akin
Ganun din kaya ang sasabihin
Ng mga nakababatang kapatid
Buhay pa rin ang musika sa kanyang gitara
Kahit na si Granada'y matanda na
Buhay pa rin ang pag-ibig sa sariling himig
Kailan lang siya'y nag-umpisa
Kailan lang siya'y nag-umpisa
Bakit ba mukha siyang bata pa