Sa tuwing makikita ka
Lalong nadagdagan aking paghanga
Sumasabay sa'yong pagkanta
Ika'y biyaya sa musika
Pero ba't mga mata'y
Naglalakbay sa iba
Kahit ako'y nandito na
Sa bawat pagtatanghal mo
Nagluluksa naman ang puso ko
Ikaw lang ang nakikita
Sulyap mo lang ayos na
Tanging sa 'yo humahanga
Ikaw ang laman ng puso
Himig mo ay buhay ko
Nandito lang ako lagi
Para sa'yo
Nandito akong
Tagahanga mo
Sa'n mang dako ka mapunta
Sasamahan kita
Kailanma'y di ako magsasawa
Mapanood ka, ako'y masaya na
Ikaw lang ang nakikita
Sulyap mo lang ayos na
Tanging sa 'yo humahanga
Ikaw ang laman ng puso
Himig mo ay buhay ko
Nandito lang ako lagi
Para sa'yo
Kahit na'ng mga pangarap mo'y
Ikawawasak ng puso ko
Pangako ko sa 'yo
Hindi ako magbabago
Ikaw lang ang nakikita
Sulyap mo lang ayos na
Tanging sa 'yo humahanga
Ikaw ang laman ng puso
Himig mo ay buhay ko
Nandito ako
Para sa'yo