Hindi ko inaasahang darating ka
Pero ngayon nandito ka na
Please lang, huwag ka na mawala
Mas pipiliin ko pa na mahalin ka
Ayoko na sa iba
Sayo lang ako, akin ka lang
Siguro nga masyadong mabilis ang lahat
Pero gagawin ko na ang lahat para magtagal
At sana naman pareho tayo ng napag-isipan
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Hindi ko inaasahang mahalin ka
Pero ngayong nandito ka na
Sigurado na hanggang pagtanda
Hindi magiging madali ang lahat
Pero magagawan ng paraan
Basta't andito ako, andyan ka lang
Umaasa ako na sana tayo ngang dalawa
At hindi na mapupunta pa sa iba
Hindi pa natin lubos na kilala ang isa't-isa
Pero tayo'y magtatagal
Hindi ko inasahang darating ka
Pero ngayong nandito ka na
Please lang, huwag ka na mawala
Mas pipiliin ko pa na mahalin ka
Ayoko na sa iba
Sa'yo lang ako, akin ka lang