Sa ikapapanatag
Ng ating isip
Huwag kang padadala
Sa iyong
Mga akala
Sa ikatatahimik
Ng ating damdamin
Panatilihing bukas
Ang iyong
Mga palad
Para muli
At muling
Tanggapin
Ipagbunyi
Ang ating
Di mapapatid
Na pagtingin
Sapagkat ako'y nasasaktan
Ako'y nahihirapan
Tuwing nadadapa
Sa hindi
Matapos-tapos na habulan
'Di magawa
Na ika'y lubayan
Huwag mo sanang akalaing
Ako'y walang pakialam
Sa iyong mga hinaing
Di mo ba naisip
Na ako'y kapanalig
Sandalan
Kaibigan
At muli
At muling
Tatanggapin
Ipagbubunyi
Ang ating
Di mapapatid
Na pagtingin
Sapagkat ako'y nasasaktan
Ako'y nahihirapan
Tuwing nadadapa
Sa hindi
Matapos-tapos na habulan
'Di magawa
Na ika'y lubayan
Sapagkat ako'y nasasaktan
Sa di matapos-tapos
Na habulan
Ooh, ooh, ooh