Ako ang paying at ulan
Tila daloy ng ilog ay pinipigilan
Hayaan ang pusong nawawala
Kahit imposible ay tinatangka
Ako ang panyo at ang luha
Ngiti ay naglalaho nang parang bula
Kinang ng mata ako ay nasilaw
Pasensya na, sa iyo na ang aking mga araw
Ako ang iyong simangot at ngiti
Damdamin ay hindi mapakali
Humihingi ng paumanhin
Hindi ko naman sinadyang ikaw ang ibigin
Ako ang lupa sa iyong langit
Di makalipad, huwag kang magalit
Sa bawat mali na aking nagawa
Sa huli ako rin ang magtatama