Sana'y masabi sa awit kong ito, lahat ng ninanais nitong puso ko. Sana saan man patungo sa buhay, may pag-ibig may pag-asa may saya at saysay. Sana sa bawat sandali matikman pa, sarap ng pagsasama at simpleng ligaya. Sana bawat araw laging may saya, laging may ngiti, laging kasama ka. Sana... kasama ka sa saya ng buhay, kasama ka't kahawak ng kamay, at sa bawat hikbi, sana'y marinig mo, pag magksama isang awit ng puso. Sana sa bawat sandali matikman pa, sarap ng pagsasama at simpleng ligaya. Tara na, sakyan lang malay mo, andyan lang, andyan lang ang hinahanap mo... andyan lang, andyan lang, ang hinahanap mo.