Ako'y nag-iisang muli
Hawak ang alaala mo
Ikaw pa rin ang nilalalaman
Ng mga panalangin ko
Sino bang mag-aakalang
Uuwi sa wala
Ngunit kahit saan ka mapadpad
Kahit ilang taon ang lumipas
Kahit ika'y mapalayo sa piling ko
Ikaw pa rin ang pipiliin ko oh
Ikaw pa rin ang pipiliin ko oh
Parang kailan lang nung
Tayo'y nagtatawanan
Kayakap ka't nagnakaw ng halik
Ngunit ang tadhana
Ayaw ng makasama
Lalapit ngunit bibitaw muli
Pero kahit may hadlang pag-ibig ipaglalaban
Kaya't kahit saan ka mapadpad
Kahit ilang taon ang lumipas
Kahit ika'y mapalayo sa piling ko
Ikaw pa rin ang pipiliin ko oh
Ikaw pa rin ang pipiliin ko oh
Ikaw pa rin ang pipipiliin
Ikaw ang pipiliin ko
Ikaw pa rin ang pipipiliin
Ikaw ang pipiliin ko
Kaya't kahit saan ka mapadpad
Kahit ilang taon ang lumipas
Kahit ika'y mapalayo sa piling ko
Ikaw pa rin ang pipiliin ko