Ba't iniisip mo na sumuko nalang
Ang buhay ba'y walang kabuluhan
Di tiyak ang hinaharap
Kasalukuya'y ano'ng hirap
Hanggang dito nalang
Tapusin na yan
Ba't yan ang nasa-isipan
Di mo lang alam ano'ng saya
At galak na siyang dala
Kung ang buhay mo'y kay Kristo na
Kaya't ano'ng hinihintay
Kung sa iyong paglalakbay
Sa kagipitan ng buhay
Siya parin ang 'yong gabay
Kaya't wag ka nang malumbay
Siya'y tapat at Siya'y tunay
Ang puso mo ay i'alay
At ika'y Kanyang hinihintay
Kalungkutan ba ang iyong nadarama
Sawa na sa naglalahong saya
Si Hesus di nagkukulang
Hinding-hindi ka Niya iiwan
Wag nang magalala
Magtiwala ka
Sa Diyos ika'y mahalaga
Kaya't ano'ng hinihintay
Kung sa iyong paglalakbay
Sa kagipitan ng buhay
Siya parin ang 'yong gabay
Kaya't wag ka nang malumbay
Siya'y tapat at Siya'y tunay
Ang puso mo ay i'alay
At ika'y Kanyang hinihintay
Di mo lang alam ano'ng saya
At galak na siyang dala
Kung ang buhay mo'y kay Kristo na
Kaya't ano'ng hinihintay
Kung sa iyong paglalakbay
Sa kagipitan ng buhay
Siya parin ang 'yong gabay
Kaya't wag ka nang malumbay
Siya'y tapat at Siya'y tunay
Ang puso mo ay i'alay
At ika'y Kanyang hinihintay