Mapaglarong tadhana
Sa lalim ng gabi ako'y tulala na
Iniisip ko na para (iniisip ko na para)
Saan ka nakilala
Ano ba ang papel mo sa buhay ko
Para mahalin o saktan lang ako
Isip ko ay gulong-gulo
Pinagtagpo pero nakatadhana na ilayo
Bakit ba ganito
Lagi na lang ganito
Ang daya ng mundo
Di na pwedeng mabuo
Alam kong di na maibabalik
Di ko na marinig ang bawat pintig
Ng aking dibdib ng aking dibdib
Gusto kong magising sa mahaba na pagkakaidlip
Alam kong di na maibabalik
Di ko na marinig ang bawat pintig
Ng aking dibdib ng aking dibdib
Gusto kong magising sa mahaba na pagkaidlip
Pwede bang sabihin mo sa akin na
Panaginip lang ito ako'y gumising na
Kasi kung totoo ang lahat ng ito
Ay paano na ako paano na ako
Di ko akalain na mawawala ka sa akin
Nalunod sa pag-ibig at ako ay nasa ilalim
Di ko alam ang aking gagawin
Kailangan ko ng hangin
Ako'y di na masagip
Tiniis ko ang mga sakit
Ako na lang ulit (ako na lang ulit)
Ako na lang ulit
Alam kong di na maibabalik
Di ko na marinig ang bawat pintig
Ng aking dibdib ng aking dibdib
Gusto kong magising sa mahaba na pagkaidlip
Alam kong di na maibabalik
Di ko na marinig ang bawat pintig
Ng aking dibdib ng aking dibdib
Gusto kong magising sa mahaba na pagkaidlip
Pinagtagpo pero nakatadhana na ilayo
Pinagtagpo pero nakatadhana na ilayo