Sa panaginip na lang kita liligawan
Dahil doon ay kontrolado ko ang mangyayari
Lahat ng gustuhin lahat ng hilingin
Aking ibibigay lahat ay kakayanin
Pipilitin ang sariling hindi na magising
Dahil ayoko na masira ang mundo
Kung saan kasama ka dahil
Sa panaginip ko tayo'y masayang magkasama (sa panaginip)
Tanggap mo 'ko kahit 'di ako perpekto
Sa panaginip lahat ng bituin ay sang-ayon sa atin
Kaya't sana'y 'di na magising
Sa panaginip na lang
Sa panaginip na lang
Sa aking panaginip 'di ka maiinip
Lahat ng nagpapasaya sa 'yo ay aking gagawin
Kung gusto mong lumipad bibigyan ka ng pakpak
Walang hahadlang sa atin dahil tayo ang batas
Pipilitin ang sariling 'di na magising
Dahil ayoko na masira ang mundo
Kung saan kasama ka dahil
Sa panaginip ko tayo'y masayang magkasama
Tanggap mo 'ko kahit 'di ako perpekto
Sa panaginip lahat ng bituin ay sang-ayon sa atin
Kaya't sana'y 'di na magising ooh
Kung sa pagmulat ng mata
Ikaw ay makikitang may kayakap nang iba
Sa panaginip na lang
Kung saan tayo'y masaya
Sa panaginip ko tayo'y masayang magkasama(sa panaginip)
Tanggap mo 'ko kahit 'di ako perpekto
Sa panaginip lahat ng bituin ay sang-ayon sa atin
Kaya't sana'y 'di na magising
Sa panaginip na lang
Sa panaginip na lang
Sa panaginip na lang
Sa panaginip na lang
Sa panaginip na lang