Di man tumigil
Ang himagsik
At pagbugso ng ulan
Kung kabigatan
Ang madatnan
Ang pag-asa ma'y kay tagal
Dumito ka muna sa aking tabi
Ilapat ang ulo, kahit saglit
Matulog na muna at ipahinga
Ang puso mong napapagal
Hindi ka mali kung di iisipin
Kung ano ang kahihinatnan
Ginawa ang gabi upang makahinga
Ang bukas ay bukas, matulog na muna