Lagi tayong magkasama
Kahit tayo'y tutunganga
Sa umaga halik mo'y almusal ko
Sa lahat ng kilos mo
Kalkulado na't tantsado
Pati damit mo, alam ko kung bago
Bago kita amuhin
Aangkinin muna kita
Tayo na munang dalawa
Bago ko pa marinig
Ang mga tukso sa atin
'Di naman tayo maramdamin
Minsan ikaw ay nagsabi
Napapagod na sa dami
'Di mo ba alam problema mo'y problema ko
Walang hinihintay na panahong maibalik kahit saglit
Kahit 'di madama
Matitibag na rin ito
Bago kita amuhin
Aangkanin muna kita
Tayo na munang dalawa
Bago ko pa marinig ang mga tukso sa atin
'Di naman tayo maramdamin
Kahit sa isip mo
Sa kahimbingan ng tulog mo
Sa kahibangang dulot mo
'Di matinag ang tamis
Kahit sa isip mo
Sa kahimbingan ng tulog mo
Sa kahibangang dulot mo
'Di matinag ang tamis
Kahit sa isip mo
Sa kahimbingan ng tulog mo
Sa kahibangang dulot mo
'Di matinag ang tamis
Nariyan ka't ilang hakbang at ako'y talikuran
Basta't 'wag mo 'kong takbuhan
Sa likod mo lang akong pagmasdan