Hating gabi naalimpungatan
Sa dilim mukha mo ay namasdan
Napasilip saglit sa nakaraan
Nong pinapangarap pa lang kita
O kay tamis ng ating unang halik
At sa dilim mga yakap kay higpit
Sa ilalim ng liwanag ng buwan
Ika'y naging akin lamang
Ngayon ay ang sandali
Ikaw at ako'y iisa
Bawat pananabik ng damdamin muli nating balikan
At ating sariwain ngayon at kailan man
Ang ligaya sa 'yong inihahatid
Muli't muli kahit paulit-ulit
Pag-ibig mo ang tanging pangarap ko
Ngayon ay iyong tinupad
Ngayon ay ang sandali
Ikaw at ako'y iisa
Bawat pananabik ng damdamin muli nating balikan
At ating sariwain
Ngayon ay ang sandali
Ikaw at ako'y iisa
Bawat pananabik ng damdamin muli nating balikan
At ating sariwain ngayon at kailan man
Oh oh