Ginawa ko naman ang lahat
Sumugal ako kahit alam kong talo
Iginugol ko ang lahat ng oras ko sayo
Para maramdaman mo lang na ganyan kita kamahal
Pero para wala lang sayo ang lahat
Ng mga paghihirap ko
Sana'y di nalang kita nakilala
Sana'y di nalang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana'y di na lang kita minahal
Di na sana nagising sa magandang panaginip
Kung madaratnan ko lang ang umagang kaysakit
Di na sana niyakap
Ang kunwari mong pagtingin
Para di ako nasugatan sa ginawa mong patalim
Pero parang ayos lang sa iyo ang lahat
Kahit na ako'y sugatan
Sana'y di nalang kita nakilala
Sana'y di nalang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana'y di na lang kita minahal oh oh
Sana'y di nalang kita nakilala
Sana'y di nalang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana'y di na lang kita minahal oh
Minahal