Takbo ng hustisya ay mabagal
Taktika nila na patagalan
Kahit wala ka namang kasalanan
Pedeng humantong sa kamatayan
Di balanse ang timbangan
Marameng sarado ang kamalayan
Kahit marame nang nalalaman
Tatalian ang bibig para umangat o yumaman
Ganito na talaga ang kalakaran
Pagwalang kapit wala kang kapalaran
Sa mundong ito na iyong nilalakaran
Di lang kahirapan ang yong kalaban
Makapangyarihan na gahaman
Balat kayo kita naman sa galawan
Makuwa lang gusto kahit magkapatayan
Walang pake kahit may masirang tahanan
Nakahandusay pero di naman nanlaban
Kabilat kanang putukang sila ang may kagagawan
Husgado na walang kapatawaran
Nabuhay ng walang karapatang makuwa sariling kalayaan
Lang hiya kame ay nagtataka
Baket marameng taong utak talangka
Bapor na bumabangga sa banka
Kung sino pa nasa taas sila pa nanghihila pababa
Akoy nakaupo sa bangko
Dami iniisip tila ayaw ko pang tumayo
Bakit buhay paulit ulit na ganito
Bawat tagpo mas madali pang kumapit sa tukso
Paniniwala tayo sa likha ng tao
Maling espiritu kakambal ng tuod na anito
Iyong pangarap unti unti na lang nalimot
Hindi ka dapat mabuhay sa'yong mga bangungot
Liwanag sa silangan tanaw sa aking kwarto
Pagdilat ng mata, mayron napagtanto
Araw-araw sa kahirapan tayoy nag-eehersisyo
Bawat hapagkainan puno ng problema't sikreto
Bayan ko ay aking mahal
Ngunit bayan ko di ako mahal
Unti unti na tayong sinasakal
Tinta't pluma aking sandata, huh tila ako si Rizal
Akoy isang pinoy iba ang espiritwal na lakas
Pangkaraniwang agos tayo ay kumalas
Agad kumilos huwag na huwag aatras
Huwag magpakataas, at italisik ang pili sa Pinas
Lang hiya kame ay nagtataka
Baket marameng taong utak talangka
Bapor na bumabangga sa banka
Kung sino pa nasa taas sila pa nanghihila pababa
Baket ba ganyan
Baket ba ganyan
Baket ba ganyan
Baket ba ganyan
Baket ba ganyan
Baket ba ganyan
Baket ba ganyan
Bulagbulagan lang