[ Featuring Morissette ]
Ilang ulit mo nang itinatanong sakin
Kung hanggang saan hanggang saan hanggang kailan
Hanggang kailan mag tatagal
Ang aking pag mamahal
Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa aking daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay
Kita'y iniibig
Giliw wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
Di ko magagawang
Lumayo sayong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal (oh)
Hanggang ang diwa ko'y
Tanging sayo laan
Mamahalin kailanman
Hanggang pag ibig ko'y
Hanggang walang hanggan
Tanging ikaw lamang
Hanggang may himig pa akong naririnig (oh)
Dito sa ating daigdig (dito sa aking daigdig)
Hanggang may musika akong tinataglay (oh)
Kita'y iniibig
Giliw wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin (lilisanin ka)
Di ko magagawang (di magagawa giliw)
Lumayo sayong piling
At nais kong malaman mo (nais kong malaman mo)
Kung gaano kita kamahal
Hanggang may puso akong
Marunong magmahal
Na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw
Hanggang saan hanggang kailan
Hanggang kailan kitang mahal
Hanggang ang buhay ko'y
Kunin ng may kapal
Oh (oh)
Hanggang saan hanggang kailan
Giliw wag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
Di ko magagawang lumayo sayong piling
Hanggang may pag-ibig
Laging isisigaw tanging ikaw
Hanggang may pag-ibig
Laging isisigaw tanging ikaw
Ah oh