Sa tuwing nagigising rinig ko ang dasal mo
Lagi ang pangarap ko ang nauna sa iyo
Pasensiya ako'y bata pa no'n at 'di ko nakita
Ang pinagdaanan mong mga laban
Ba't kaya hindi ko naisip
Na nasa harap ko lang pala
Mama mama mama
Sa 'yo ako sumasandal tuwing ako'y nawawala
Mama mama mama
Ikaw ang ilaw sa kadiliman ng buhay mama
Pa'no malalaman kung 'di ko pa naranasan
Araw-gabing paghihirap na pinagdaanan
Walang hinto kayong lumaban sa paglalakbay
Buong puso kong gustong sabihin na kayo'y mahal ko
Ako'y tumanda na at nag-iisa
Miss na miss kita at alam kong mahirap 'to
Kailangan kong lumakas para sa ating pangarap
'Wag nang mag-alala papangitiin kita muli
Ang pagmamahal mong hindi biro
Damang-dama ko na ngayon
Mama mama mama
Sa 'yo ako sumasandal tuwing ako'y nawawala
Mama mama mama
Ikaw ang ilaw sa kadiliman ng buhay
My mama my mama
My mama walang iba kundi
Mama mama mama
Mama mama mama
Sumandal ka na lang sa 'kin kapag ika'y nawawala
Mama mama mama
Nakarating na tayo sa bandang huli
My mama (mama mama mama)
Itong harana ko'y para lang sa 'yo mama
Mama mama mama
Ang pagkanta na 'to ay para lang sa 'yo mama