Sa kalawaka'y naririnig
Mga daing at pighati
Sanlibuta'y nagluluksa
Mga buhay nawawala
Ang mundo'y naliligalig
Naghahanap ng liwanag
Ito kaya'y isang parusa
Ito kaya'y paalala
Sa gitna nitong unos
Sa gitna ng kawalan
'Di tiyak sa daang patutunguhan
O Diyos nandiyan ka lang sa baybay naghihintay
Ikaw ang aking ilaw
Ikaw may hawak sa 'king buhay
Panahon na magkaisa
Huwag mawalan ng pag-asa
Ang buhay 'di lang materyal
Pag-ibig dapat umiral
Sa gitna nitong unos
Sa gitna ng kawalan
'Di tiyak sa daang patutunguhan
O Diyos nandiyan ka lang sa baybay naghihintay
Ikaw ang aking ilaw
Ikaw may hawak sa 'king buhay
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos
Akayin mo ako
Sa gitna nitong unos