Sasalubungin ang bagong umaga
Sa kalungkuta'y 'di na mananatili pa
Nakaraa'y hindi na hahabulin
Pagibig na hindi para sa atin
Hindi ka na hahayaan pang malumbay
Kung dito sa piling ko'y hindi ka na sanay
Iyong paglipad ay 'di na pipigilan
Pasensya ka na ako'y may kabagalan
May kabagalang makalimot
Hayaan mo na hanggang ngayon na lang ito
Pangako ko
Haharapin ang bukas na walang pangamba
Hindi na matatakot kahit pa mag-isa
Haharapin ang bawat araw
Kahit nakalipas ay tanaw
Ako ay uusad na
Papalayain ka
Kahit tanungin ang ating nakalipas
Ang tanging sagot pagibig nati'y nagwakas
Ngayon pa ma'y 'di na ako muling aasa
Hindi na tututol sa iyong paglaya
Malaya ka na
Haharapin ang bukas na walang pangamba
Hindi na matatakot kahit pa mag-isa
Haharapin ang bawat araw
Kahit nakalipas ay tanaw
Ako ay uusad na
At papalayain ka oh
Higpit nitong paghawak ay tuluyan nang tatanggalin
Pagkasabik sa yakap mo'y lubusan nang aalisin
Ako'y pikit-matang magpaparaya paalam na sayo oh
Haharapin ang bukas na walang pangamba
Hindi na matatakot kahit pa mag-isa
Haharapin ang bawat araw
Kahit nakalipas ay tanaw
Ako ay uusad na
At 'di na lalaban pa oh
Ako ay uusad na
At papalayain ka oh