Kamusta, nakita nanaman kita?
Kasi nung una nawala ka bigla
O hanggang panaginip nalang ba talaga
Kasi gusto kong makasama kita
Nababaliw 'pagka 'di ka nakikita
Kasi gusto kong makasama kita
O Sinta ~
Sigurado ako na ikaw na talaga
Mapagabi man o mapaumaga
Mamahalin kita ng totoo
Ibibigay lahat ng gusto mo
Iingatan ko ang puso mo
Eto na ang pagtingin ko sa'yo
Alam ko naman na ika'y may pinagdadaanan
Gusto ko lang malaman mo na nandito ako
Okay lang kahit na ako'y nahihirapan
Tuliro na ako, ano pa bang kailangan
Pangako sa'yo hindi kita pababayaan
Handa akong magbubulagbulagan
Kahit na ako'y medyo nasasaktan
Patuloy parin kitang aalagaan
Sigurado ako na ikaw na talaga
Mapagabi man o mapaumaga
Mamahalin kita ng totoo
Ibibigay lahat ng gusto mo
Iingatan ko ang puso mo
Eto na ang pagtingin ko sa'yo