Masaktan kang 'di sinasadya
Hinihintay ang oras
Panahon ay lumilipas, 'di maibigkas
Salitang nais iparating
Masaktan man ang damdamin
Kuwentong to'y di atin.
Inamin ang 'yong pag-ibig
Ngunit puso ay
Di tumutugma sayong pintig.
Ang tanong ay kung paano
Ibigkas ang salita
Ihayag ang nararamdaman na
Hanggang dito nalang
Palayain ang sarili sa pag-ibig na 'di mangyayari
Hanggang dito nalang
Paano maisasambit nang walang
Halong kirot at sakit
Panahong pinagsamahan
Binigyan mo na pala ng kahulugan
Mga tawanan, mga ngiti
Mga luha't mga pighati
Paano ba, paano ba
Paano ba masasabi nang
Hindi masasaktan
Lalayo at mag-iiwasan
Mga susunod na kwento'y
Lahat magbabago.
Huwag mo nang pilitin
Tanggapin ang sasabihin na
Hanggang dito nalang
Palayain ang sarili sa pag-ibig na di mangyayari
Hanggang dito nalang
Paano maisasambit nang walang
Halong kirot at sakit
Sa aking huling ibibigkas
Salamat sa nilaan na oras
Kuwento'y dapat nang lumipas
May bagong pag-ibig na darating
Sana'y iyong mapatawad
Pagkat ako'y di nararapat.