[00:13.60]
Sa lahat ng mga bagay ito yung pinaka
Mararamdaman mo sa binuo't ginawa
Di mawawala yan laging nasa'king nailikha
Pag ibig sa himig may puso't isip na 'di magigiba
Laging nilalaan lahat sa aking sining
Aking sinasagad, wala nang binibitin
Kaya bitbit ko lang bawat tinuro sa akin
Mga pinipinta parte aking puso't damdamin!
RAMDAM
Mo pag bumuga ako, pag tumugma na 'to
Nakabuhos lahat ngunit walang tapon o ano
Sobrang puro nung obrang kong puso bumuo
Walang duda!
Buhay ang aking musika't lalago pa!
Sa'n papunta? Aangat to at panahon na
Nang makuha at gawin ko ang para sakin
Walang duga yan walang 'di ko kakayanin
Magagawa rin!
Lahat ng ginto na mamanahin niyo
Parang librong tatalakayin pa..
Kahit kuhaan katha ko't kalakalin ay
'Di kaya kasi sakin lamang nanggagaling yang
Ideya, liriko, boses, at pagkatanghal
Matinding awitin, umulit o magtagal man
'Di mareplika aking ginuguhit pang walang hanggan
Sining ko'y sulit pag nadama yan
Pwedeng mahigitan niyo rin o mapantayan
Pero yang nilikha ko 'di niyo talaga kayang mapatay yan! Aghh!
Sa lahat ng mga bagay ito yung pinaka
Mararamdaman mo sa binuo't ginawa
'Di mawawala yan laging nasa'king nailikha
Pag ibig sa himig may puso't isip na 'di magigiba
Laging nilalaan..
Lahat sa aking sining!
Aking sinasagad..
Wala nang binibitin!
Kaya bitbit ko lang bawat tinuro sa akin
Mga pinipinta parte aking puso't damdamin!
Ang puso't damdamin..
Natutong magamit!
Sa dami nang gustong hanapin
Ang galit sa mundo'y nasalin
Damdaming nabuo't hangarin
Nasa likha ko yun lahat 'di
Nag alangang mapinta nang makakapit pa
Sa kalagitnaan ng pangit na pangyayari sa
Paglalakbay, lahat ng aray nilabas ko
'Diba sakto? kinalas yun, nilagay ko sa aking kwaderno
Kinatas non kinatasa ko't ibang ako na nais makwento
Ang istorya ko patuloy to pang habang buhay
Walang kinopya to at totoo lang na may husay...
Likha ko ang patunay hinding kaya na tumigil
Sinabuhay, sinaulo, sinapuso yung hilig
Hahayaan aking awit na gumising
Sa napakaraming nais ay yung sining
Na aking pinaka eto palaging iba sa mga panalo
Kahit pa na di kilala ay kikinang pa lalo! agh!
Sa lahat ng mga bagay ito yung pinaka
Mararamdaman mo sa binuo't ginawa
'Di mawawala yan laging nasa'king nailikha
Pag ibig sa himig may puso't isip na 'di magigiba
Laging nilalaan..
Lahat sa aking sining!
Aking sinasagad..
Wala nang binibitin!
Kaya bitbit ko lang bawat tinuro sa akin
Mga pinipinta parte aking puso't damdamin!!
SA LAHAT NG MGA BAGAY ITO YUNG PINAKA
MARARAMDAMAN MO SA BINUO'T GINAWA
'DI MAWAWALA YAN LAGING NASA'KING NAILIKHA
PA-IBIG SA HIMIG, MAY PUSO'T ISIP NA 'DI MAGIGIBA
Laging nilalaan..
LAHAT SA AKING SINING!
Aking sinasagad..
WALA NANG BINIBITIN!
KAYA BITBIT KO LANG BAWAT TINURO SA AKIN
MGA PINIPINTA PARTE AKING PUSO'T DAMDAMIN!!!