Dumidilim na naman ang paligid
Parang bubuhos ng galit ang langit
Kailan kaya makakatulog ang isip ko?
Mga katanungan
Walang kasagutan
Walang patutunguhan
'Di naman kailangan
Diwang mapaglaro
'Di na humihinto
Tila lumilipad sa hangin
Diwang mapaglaro
'Di na humihinto
Tila lumilipad sa hangin
Bawat patak ng 'yong luha sa labi
Hindi mawari kung bakit nangyari
Kailan kaya matatauhan ang puso mo?
Walang patutunguhan
Mga katanungan
'Di man kailangan
'Di naman malimutan
Diwang mapaglaro
'Di na humihinto
Tila lumilipad sa hangin
Tinangay na bang tuluyan
Kaliwanagan ng isipan
Tila lumilipad sa hangin
Diwang mapaglaro
'Di na humihinto
Tila lumilipad sa hangin
Tinangay na bang tuluyan
Kaliwanagan ng isipan
Tila lumilipad sa hangin
Diwang mapaglaro
'Di na humihinto
Tila lumilipad sa hangin
Tinangay na bang tuluyan
Liwanag sa isipan
Tila lumilipad sa hangin
Diwang mapaglaro
'Di na humihinto
Tila lumilipad sa hangin
Tinangay na bang tuluyan
Liwanag sa isipan
Tila lumilipad sa hangin