Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Sobrang saya dahil nandito ka na
Kahit mamaya lang ay aalis ka na rin agad
Wag ka sanang mainis, panahon natin mabilis
Sandal mo muna sandali, 'di naman nagmamadali, 'di ba?
Dantay ka muna sa 'kin, beh
Sulitin natin ang gabi
Iyong mga problema'y itabi
Labi mo sa akin, idampi
Kahit anong lalim, aking sisisirin
Di na mabibitin pa sa aking gagawin
Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako'y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na 'to
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo
Nang dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan ka lang, ngayon alam ko naman
Hanggang dito ka lang, kalaban ang orasan
Pa'no na 'ko 'pag gabi? 'Di sanay nang walang katabi
Sandal mo muna sandali, 'di naman nagmamadali kaya
Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako'y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na 'to (dahan-dahan lang)
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo (dahan-dahan lang)
Nang dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Oh, puwede bang magpahinga muna saglit?
(Dahan-dahan lang)
Oh, puwede bang magpahinga muna saglit?
(Dahan-dahan lang)