Darat darara
Darat darara
Ang mundo natin ay bilog
Ang ginawa mo babalik sa'yo
Habang-buhay 'tong nakadikit sa pangalan mo
Minsan mo bang naisip kung sa'n ka tinadhana
At parang wala namang magbabago 'pag nawala ka
Naku sana makawala ka sa kahon kung nasa'n ka ngayon
Panibagong pagkakataon ang 'yong
Pagmulat sa bawat umaga
Mali ay matatama pa
Dating tamis na tila pumait ay mababawi pa
Balang araw matutuklasan kinalabasan ng
Tiis at sakripisyong akala mo'y 'onti lang
Ngunit nadulot nito'y inakalang imposible
Hiwaga ng pag-ibig sa iba at sa sarili
Oh 'di mo ba namamalayan
Tayo'y tinatawag na ng mundong inaapakan
Sana'y pakinggan at mapagbigyan
Tayo-tayo rin naman makikinabang
Tayo-tayo rin lang
Alam mo 'di natin hawak ang oras
Hindi rin natin alam ang dala ng bukas
Ano pa'ng 'yong hinihintay
Kailangan bang may mamatay pa
Bago ka magising nang matagal nang may umaaray
Tumatakbo ang oras kapit ng iba'y pumipigtas humihina kumakalas pero ito'y maliligtas
'Di ka nabubuhay para lamang sa wala
Gawin ang dapat mong gawin habang humihinga ka pa
Oh 'di mo ba namamalayan
Tayo'y tinatawag na ng mundong inaapakan
Sana'y pakinggan at mapagbiyan
Tayo-tayo rin naman makikinabang
Tayo-tayo rin naman makikinabang
Oh 'di mo ba namamalayan
Tayo'y tinatawag na ng mundong inaapakan
Sana'y pakinggan at mapagbiyan
Tayo-tayo rin naman makikinabang
Tayo-tayo rin lang
Ramdam mo ba ang hiwaga
Hiwaga ng pag-ibig
Pag-ibig sa iba
Sa iba at sa sarili
Ramdam mo ba ang hiwaga
Hiwaga ng pag-ibig
Pag-ibig sa iba
Sa iba at sa sarili