Dapat nga bang sundin itong bulong ng damdamin
O talinong nakamit ito'y pinipilit
Huwag sumuot sa alanganin
Ang isa'y sinasabi
Sundin lang siyang palagi takot ilagay sa isang tabi
Tuktok ay sumasakit
Dahil iginigiit na huwag kang mabulag sa pag-ibig
Sa isip ko ay walang nakakasilip
Sa puso ko ay mayrong nagsasabi
Ang payo ng ulo ay praktikal sa suliranin
Huwag kang padadala sa tibok na iyong dala
Buksan na ang iyong mata
Ngunit hindi patatalo
Ang puso'y may pambato labis na pag-ibig
Maski anong panganib
Hinding-hindi sasanib sa utak na duwag at bingi
Sa isip ko ay walang nakakasilip
Sa puso ko ay mayrong nagsasabi
O Diyos kong Maykapal
Ako nga ba ay hangal masama ba ang magmahal
Dahil hindi na uurong
Ang pusong umuugong ng pagsambang walang kapalit
Sa puso ko isa lang ang sinasabi
Sa puso ko ikaw ang nagmamay-ari
Sa puso ko isa lang ang sinasabi
Sa puso ko ikaw lang ang nagmamay-ari
Sa puso ko isa lang ang sinasabi
Sa puso ko oh ikaw lang sa puso ko