Aking mahal
Ako'y patuloy na nagtatago sa hangin
Kahit kitang-kita na ang aking pagtingin
Walang kaalam-alam kung saan padadaungin
Ang mga salitang kay tagal ko nang
Kinikimkim
Sa ating himig tayo'y maliligaw
Hindi alam kung 'san tutungo
Pero ang hangarin ko ay ikaw
Kaya buksan natin ang pintuan sa'king puso
Ipapakita sayo na ang bawat salita'y totoo
Ikaw ang panaginip na gustong paulit-ulitin
Kahit walang mapapala sa'king mga hiling
Kahit ilang beses pa akong papipiliin ikaw lamang
Natatakot sabihin sayo nang harap-harapan
Mahirap nang makaahon pag nahulog na nang tuluyan
Susubukan pa rin kahit walang kasiguraduhan
Sa ating himig tayo'y maliligaw
Hindi alam kung 'san tutungo
Pero ang hangarin ko ay ikaw
Kaya buksan natin ang pintuan sa'king puso
Ipapakita sayo na ang bawat salita'y totoo
Ikaw ang panaginip na gustong paulit-ulitin
Kahit walang mapapala sa'king mga hiling
Kaya dito ka muna
Magkunwari na tayong dalawa lamang
Ang nasa mundo at ako'y pakinggan mo
Ito ay para sayo